Consumer Video: Don't Hang On, Hang Up! - Pag-aralan kung paano maiiwasan ang mga spoofing scam. Sa panoorin ang video na may kapsiyon, pindutin ang buton ng pag-play, at sunod na pindutin naman ang icon na "CC".
Ang mga hindi gustong tawag – kasama ang ilegal at na-spoof na mga robocall - ang nangungunang reklamo ng consumer ng FCC at ang aming nangununang priyoridad para sa pagprotekta sa consumer. Bilang karagdagan, dumarami ang mga reklamo mula sa mga consumer kung saan inii-spoof ang kanilang mga numero o maling bina-block ang kanilang mga tawag o nile-label bilang posibleng scam na tawag ng isang app o serbisyo sa pag-block ng robocall. Nakatuon ang FCC na gawin ang makakaya namin upang protektahan ka mula sa mga hindi kanais-nais na sitwasyong ito at pinaghihigpitan ang mga ilegal na tawag sa iba't ibang paraan:
- Pagpapataw ng multa na daan-daang milyong dolyar sa mga ilegal na robocaller.
- Palakasin ang loob ng mga kompanya ng telepono para awtomatikong hadlangan ang mga ilegal o hindi kanais-nais na tawag batay sa makatwirang pagsusuri sa tawag bago pa man makaabot ang mga tawag sa mga mamimili.
- Hayaan ang mamimili na makapili sa mga tool para hadlangan ang mga tawag mula sa anumang numero na hindi kasama sa listahan ng kontak ng isang mamimili o ibang "white list."
- Pakikipagtulungan upang makabuo ng mga paraan na magagawa ng mga kumpanya ng telepono na mapatunayan ang caller ID (sa English) upang mabawasan ang ilegal na pag-spoof.
- Gawing available ang aming data ng reklamo upang mabigyang-daan ang mas mahusay na mga solusyon sa pag-block at pag-label ng mga tawag.
Maaari kang maghain ng reklamo sa FCC (sa English) kung naniniwala kang nakatanggap ka ng ilegal na tawag o text. I-click ang mga tab sa ibaba para sa mga tip, FAQ at mapagkukunan.
Mga Tip sa Consumer
- Huwag sagutin ang mga tawag na mula sa mga hindi kilalang numero. Kung masagot mo ang ganitong tawag, agad na ibaba ang telepono.
- Maaaring hindi mo agad na masabi kung na-spoof ang isang papasok na tawag. Mangyaring malaman: Hindi agad ngangahulugan na mula sa lokal ang tumawag kapag "lokal" na numero ang ipinapakita sa Caller ID.
- Kung sagutin mo ang tawag at hiniling sa iyo ng tumawag - o ng isang recording - na pumintod ng button upang hindi na makatanggap ng mga tawag, dapat mo lang itong ibaba. Madalas na ginagamit ito ng mga scammer upang matukoy ang mga potensyal na target.
- Huwag tumugon sa anumang mga tanong, lalo na sa mga tanong na maaaring masagot ng "Oo."
- Huwag kailanman ibigay ang personal na impormasyon tulad ng mga account number, Social Security number, pangalan sa pagkadalaga ng ina, mga password o iba pang impormasyong nakapagpapakilala bilang tugon sa mga hindi inaasahang tawag o kung naghihinala ka.
- Kung may magtanong sa iyo at nagsabing kinatawan siya ng isang pamahalaan o ahensya ng pamahalaan, ibaba ang telepono at tawagan ang numero ng telepono sa iyong account statement, sa phone book, o sa website ng kumpanya o ahensya ng pamahalaan upang the company's or government agency's website to verify the authenticity of the request. Sa karaniwan, makakatanggap ka ng nakasulat na pahayag sa liham bago ka makatanggap ng tawag sa telepono mula sa isang lehitimong pinagmulan, lalo na kung humihingi ng kabayaran ang tumatawag.
- Mag-ingat kung pinipilit ka na magbigay agad ng impormasyon.
- Kung mayroon kang voice mail account sa iyong serbisyo sa telepono, tiyaking magtakda ng password para rito. Paunang nakatakda sa ilang serbisyo ng voicemail na magbigay ng access kung tatawag ka mula sa sarili mong numero ng telepono. Maaaring i-spoof ng isang hacker ang iyong numero ng telepono sa bahay at makakakuha siya ng access sa iyong voice mail kung hindi ka nagtakda ng password.
- Makipag-usap sa iyong kumpanya ng telepono tungkol sa mga tool sa pag-block ng tawag na maaaring mayroon sila at tingnan ang mga app na maaari mong i-download sa iyong mobile device upang mag-block ng mga hindi gustong tawag.
- Kung gumagamit ka na ng teknolohiya sa pag-block ng robocall, madalas na nakakatulong na ipaalam sa kumpanya kung aling mga numero ang gumagawa ng mga hindi gustong tawag upang makatulong silang ma-block ang mga tawag na iyon para sa iyo at sa iba.
- Upang i-block ang mga tawag ng telemarketing, irehistro ang iyong numero sa Listahan ng Huwag Tawagan (sa English). Kinokonsulta ng mga lehitimong telemarketer ang listahan upang maiwasang tawagan ang parehong numero ng landline at mobile phone sa listahan.
Mga FAQ sa Mga Robocall
Ang mga robocall ay mga tawag na ginawa gamit ang isang autodialer o naglalaman ng mensaheng ginawa gamit ang isang paunang ni-record o artificial na boses.
Sa kasamaang palad, dahil sa mga pagsulong ng teknolohiya, mas mura at mas madali na ngayong nagagawa ang mga ilegal at na-spoof na tawag mula saanman sa mundo. Iyon ang dahilan kung bakit ito naging problema para sa mga consumer, at naging mas mahirap na lutasing problema.
Tandaan na maraming robocall ang legal. Bagama't nagsagawa kami ng maraming pagkilos, at patuloy na nagsisikap na mabawasan ang mga ilegal na robocall, mahirap na problema ito at kailangan ng mga kumplikadong solusyon. Ang pinakakumplikadong bahagi ay pagtukoy sa mga ilegal na tawag nang real time upang ma-block ang mga iyon nang hindi bina-block ang mga sumusunod sa batas na tawag.
Ano ang mga panuntunan para sa mga robocall?
Iniaatas ng panuntunan ng FCC na hingin ng tumatawag ang iyong nakasulat na pahintulot – sa papel o sa pamamagitan ng electronic na paraan, kabilang ang mga form sa website, pagpindot sa telepono – bago ito gumawa ng paunang na-record na tawag ng telemarketing sa iyong numero sa bahay o mobile phone. Iniaatas din ng mga panuntunan ng FCC na hingin ng tumatawag ang iyong pahintulot, nang pasalita o pasulat, bago ito maaaring gumawa ng awtomatikong na-dial o paunang ni-record na tawag o text sa iyong numero ng wireless. May mga pagbubukod sa mga panuntunang ito, tulad ng mga sitwasyong may emergency kung saan may panganib sa buhay o kaligtasan.
Ano ang mga panuntunan para sa pagtawag ng mga telemarketer sa isang landline sa bahay?
Dapat na nakuha muna ng mga tumatawag ang iyong nakasulat na pahintulot bago gumawa ng mga tawag ng telemarketing gamit ang isang paunang ni-record o artificial na boses. Ipinagbabawal ang mga tawag ng pangangalap sa telepono sa iyong bahay bago ang 8 am o pagkatapos ng 9 pm.
Hindi na makakagawa ang mga telemarketer ng mga robocall ng telemarketing sa iyong landline sa bahay dahil lang sa "naitaguyod na ugnayan sa negosyo" na maaaring naitaguyod mo noong may binili kang bagay sa isang negosyo o noong nakipag-ugnayan ka sa negosyo upang magtanong.
Ipinagbabawal ba ang mga robocall sa mga mobile phone?
Kailangan ng pasulat o pasalitang pahintulot ng consumer para makagawa ng awtomatikong na-dial, paunang ni-record, o artificial na boses na tawag o mga text na ipinadala sa iyong wireless number, na may ilang pagbubukod tulad ng mga emergency na tawag patungkol sa panganib sa buhay o kaligtasan. Dapat na nakasulat ang pahintulot para sa mga robocall ng telemarketing. Hindi kailanman pinahintulutan ang mga telemarketer na gumawa ng mga robocall sa iyong mobile phone dahil lang sa isang "naitaguydo na ugnayan sa negosyo" sa iyo.
Anong mga uri ng mga awtomatikong na-dial na tawag ang pinapahintulutan sa ilalim ng mga panuntunan ng FCC?
Hindi ilegal ang lahat ng robocall. Maraming salik ang dapat na isaalang-alang: ang teknolohiyang ginamit para gawin ang tawag, kung para sa isang landline o numero ng mobile ang tawag, kung telemarketing ba ang nilalaman ng tawag, at kung nasa Pambansang Registry ng Huwag Tawagan ang tinawang numero.
Hindi pinaghihigpitan ng mga panuntunan ng FCC ang mga tawag para sa pananaliksik sa merkado o pag-poll sa mga numero ng landline sa bahay, pati ang mga tawag sa ngalan ng mga tax-exempt non-profit na grupo. Mapapahintulutan nang hindi nangangailangan ng paunang pahintulot ang mga mensaheng nagbibigay ng impormasyon tulad ng mga pagsasara ng paaralan o impormasyon sa flight sa iyong telepono sa bahay. Iniaatas ng mga panuntunan sa lahat ng paunang na-record na tawag, kabilang ang mga tawag para sa pananaliksik sa merkado o pag-poll, na ipakilala ang tumatawag sa simula ng mensahe at magsama ng numero ng telepono sa pakikipag-ugnayan. Ipinagbabawal ang mga awtomatikong na-dial o paunang na-record na tawag sa mga mobile phone nang walang paunang ipinahayag na pahintulot, anuman ang nilalaman ng tawag, na may ilang pagbubukod tulad ng mga emergency na tawag patungkol sa panganib sa buhay o kaligtasan.
Ano ang mga panuntunan tungkol sa pag-release ng mga linya ng telepono ng mga robocall?
Dapat na i-release ng mga autodialer na naghahatid ng paunang na-record na mensahe ang linya ng telepono ng tinawagan sa loob ng limang segundo mula ng matanggap ng system ng tumatawag ang notification na ibinaba na ng tinawagan ang tawag. Sa ilang lugar, maaari kang makaranas ng pagkaantala bago ka makakuhang muli ng dial tone. Masasabi sa iyo ng iyong lokal na kumpanya ng telepono kung may antala sa iyong lugar.
Mayroon bang mga organisasyon o indibidwal na hindi sakop ng mga panuntunan ng Huwag Tawagan?
Oo. Nalalapat lang ang mga panuntunan ng Huwag Tawagan sa mga tawag ng telemarketing. Kaya hindi kailangang sumunod sa mga kahilingang huwag-tawagan ang sumusunod na mga uri ng tawag: mga tax-exempt, non-profit na organisasyon; mga pulitikal na organisasyon; mga pollster at nagsasagot ng survey, na hindi tumatawag para magbenta; mga organisasyon sa relihiyon; at mga telemarketer na binigyan mo ng paunang nakasulat na pahintulot na tawagan ka.
Maaari ba akong mag-opt out sa mga awtomatikong na-dial na tawag?
Iniaatas ng mga panuntunan ng FCC sa mga telemarketer na payagan kang agad na mag-opt out sa pagtanggap ng mga karagdagang robocall habang nasa isang paunang na-record na tawag ng telemarketing sa pamamagitan ng isang automated na menu. Dapat na ianunsyo ang mekanismo sa pag-opt out sa simula ng mensahe at dapat na available sa kabuuan ng tawag.
Saan ko dapat ihain ang aking reklamo sa hindi gustong tawag?
Maaaring maghain ang mga consumer ng reklamo sa FCC sa pamamagitan ng pagpunta sa fcc.gov/complaints (sa English). Maaari mong piliin ang form ng telepono at ang issy ng mga hindi gustong tawag para sa lahat ng reklamong kinasasangkutan ng mga hindi gustong tawag, kabilang ukng inii-spoof, bina-block, o nile-label ang iyong numero.
Kung may reklamo ka tungkol sa panloloko sa telepono o mga telemarketer na hindi sumunod sa listahan ng Huwag Tawagan, hinihikayat ka rin naming maghain ng reklamo sa FTC (sa English).
Kung ang hindi gustong tawag ay isang scam sa IRS, hinihikayat ka rin naming ihain ang iyong reklamo sa Treasury Inspector General for Tax Administration (TIGTA) sa www.tigta.gov (sa English) o tumawag sa 1-800-366-4484.
Ano ang ginagawa ng FCC sa mga reklamo ng consumer?
Hindi namin nilulutas ang indibidwal na mga reklamo sa hindi gustong tawag ngunit nakapagbibigay ang mga naturang reklamo ng mahalagang impormasyon na ginagamit ng FCC upang makatulong sa pagpapasya sa paggawa ng patakaran at bilang batayan ng potensyal na pagpapataw ng multa laban sa mga tumatawag na lumalabag sa aming mga panuntunan sa ilalim ng Telephone Consumer Protection Act (para sa karamihan ng robocall) o Truth in Caller ID Act. Maaari naming ibahagi ang iyong reklamo sa iba pang mga ahensya, tulad ng FTC, kung pareho naming nasasakupan ang pinaghihinalaang paglabag.
Paano makakakuha ang mga paaralan ng higit pang impormasyon tungkol sa pagsunod?
Para sa mga paaralang may mga tanong tungkol sa pagsunod sa mga panuntunan sa mga robocall ng Commission, mangyaring makipag-ugnayan kay Richard.Smith@fcc.gov (sa English)
Mga Robotext
Ipinagbabawal ng mga panuntunan ng FCC na magpadala ng mga text message sa isang mobile phone gamit ang isang autodialer maliban kung nagbigay ka dati ng pahintulot na matanggap ang mensahe o kung ipinadala ang mensahe para sa mga emergency.
- Para sa mga pangkomersyong text, dapat na nakasulat ang iyong pahintulot.
- Para sa hindi pangkomersyo, pagbibigay ng impormasyon na text (tulad ng ipinapadala ng o sa ngalan ng mga tax-exempt non-profit na organisasyon, para sa mga layuning pampulitika, at iba pang hindi pangkomersyong layunin, tulad ng mga pagsasara ng paaralan), maaaring pasalita ang iyong pahintulot.
Nalalapat ang pagbabawal kahit na hindi mo inlagay ang iyong numero ng mobile phone sa pambansang listahan ng Huwag Tawagan.
Mga tip para makaiwas sa mga hindi gustong text
- Huwag tumugon sa mga hindi gustong text mula sa mga kahina-hinalang pinagmulan. Maraming mobile service provider ang nagbibigay-daan sa iyong i-block ang nagpadala sa pamamagitan ng pag-forward sa mga hindi gustong text sa 7726 (o "SPAM"). Itanong sa iyong provider kung ano ang iyong mga opsyon.
- Mag-ingat sa pagbibigay ng iyong numero ng mobile phone o anumang iba pang personal na impormasyon.
- Basahin ang mga pangkomersyong web form at tingnan kung may patakaran sa privacy kapag isinusumite ang iyong numero ng mobile phone sa anumang website ng customer. Dapat na magawa mong mag-opt out sa pagtanggap ng mga text – ngunit maaaring kailanganin mong lagyan o alisan ng check ang isang paunang napiling kahon para magawa ito.
- Alamin kung may patakaran ang kumpanyang katransaksyon mo na nagbibigay-daan dito na ibenta o ibahagi ang iyong impormasyon.
Kumilos
Maghain ng reklamo (sa English) sa FCC kung makatanggap ka ng:
- Hindi gustong pangkomersyong text message na ipinadala sa iyong mobile phone.
- Awtomatikong na-dial na text message na ipinadala sa iyong mobile phone kung hindi mo pinahintulutan ang mensahe dati (o kung hindi ito emergency).
- Anumang awtomatikong na-dial na text message mula sa isang kumpanya ng telecommunications o nag-a-advertise sa mga produkto o serbisyo ng kumpanya ng telecommunications, kung ipinadala nang walang paunang pahintulot mo.
Pag-spoof
Video ng FCC na Mamimili: Huwag Ipagpatuloy, Babaan agad ng Telepono! - Sa panoorin ang video na may kapsiyon, pindutin ang "i-play," at sunod na pindutin naman ang icon na "CC".
Iba pang mga Video - Si Tagapangulong Pai patungkol sa "neighbor spoofing"
Ang pag-spoof ng Caller ID ay kapag sinasadyang palsipikahin ng tumatawag ang impormasyong ipinapadala sa display ng iyong ID upang itago ang kanilang pagkakakilanlan. Madalas na ginagamit ang pag-spoof bilang bahagi ng pagsubok na linlangin ang isang tao na magbigay ng anumang mahalagang personal na impormasyon para magamit ito sa mapanlokong aktibidad o ilegal na ibenta, ngunit para gamitin din sa lehitimong paraan, halimbawa, upang ipakitaang toll-free na numero para sa isang negosyo.
Ano ang pag-spoof ng kapitbahay?
Ginagamit ng mga robocaller ang pag-spoof ng kapitbahay, na nagpapakita ng numero ng telepono na katulad ng sa iyo sa iyong caller ID, upang mas lumaki ang tsansang sagutin mo ang tawag. Upang makatulong na malabanan ang pag-spoof ng kapitbahay, inuudyok ng FCC ang industriya ng telepono na gumamit ng mahusay na system ng pagpapatunay ng caller ID (sa English).
Kailan ilegal ang pag-spoof?
Sa ilalim ng Truth in Caller ID Act, ipinagbabawal ng mga panuntunan ng FCC ang sinuman na magpadala ng nakapanlilinlang o hindi tumpak na impormasyon ng caller ID na may layuning manloko, magdulot ng pinsala o kumuha ng anumang may halaga sa maling paraan. Maaaring kaharapin ng sinumang ilegal na nag-spoof ang mga multa na hanggang $10,000 para sa bawat paglabag. Gayunpaman, hindi palaging ilegal ang pag-spoof. May mga lehitimo, legal na paggamit para sa pag-spoof, tulad ng kapag tinawagan ng isang doktor ang isang pasyente mula sa kanyang personal na mobile phone at ipinapakita ang numero ng opisina sa halip na personal na numero ng teleono o ipinapakita ng isang negosyo ang toll-free na numero sa pagtawag pabalik.
Ano ang maaari mong gawin kung inii-spoof ang iyong numero?
Kung makatanggap ka ng mga tawag mula sa mga taong nagsasabing lumalabas ang iyong numero sa kanilang caller ID, malamang na na-spoof ang iyong numero. Iminumungkahi muna naming huwag kang sumagot ng anumang mga tawag mula sa mga hindi kilalang numero, ngunit kung sagutin mo, ipaliwanag na inii-spoof ang iyong numero ng telepono at hindi ka aktwal na gumawa ng anumang mga tawag. Maaari ka ring maglagay ng mensahe sa iyong voicemail na nagpapaalam sa mga tumatawag na na inii-spoof ang iyong numero. Sa karaniwan, madalas na nagpapalit ng numero ang mga scammer. Malamang na sa loob lang ng ilang oras, hindi na nila ginagamit ang iyong numero.
Ano ang pagba-block o pagle-label?
Kung na-block ang isang numero ng telepono o na-label bilang "potensyal na scam" sa iyong caller ID, posible na na-spoof ang numero. Nag-aalok ang ilang kumpanya ng telepono at developer ng app ng mga serbisyo sa pag-block at pag-label ng tawag na nagde-detect kung ang isang tawag ay malamang na mapanloko batay sa mga pattern ng tawag, reklamo ng consumer o iba pang paraan.
Hindi ipinagbabawal ng mga panuntunan ng FCC ang mga teknolohiya sa pag-block o pag-label ng mga tawag, gayunpaman, labis na nag-aalala ang FCC sa pagtiyak na magagawa ang mga sumusunod sa batas na tawag at hinikayat ang mga provider na nagba-block ng mga tawag na gumawa ng paraan para makaugnayan ng isang tumatawag na may na-block na numero ang provider at maayos ang problema.
Legan mong maba-block ang transmission ng iyong numero ng telepono kapag tumawag ka, para lumabas ang iyong numero bilang "hindi kilala." Hindi pag-spoof ang paggawa nito.
Ano ang mga panuntunan ng caller ID para sa mga telemarketer?
Partikular na iniaatas ng mga panuntunan ng FCC na gawin ng telemarketer na:
- Ipadala o ipakita ang numero ng telepono nito o ang numero ng telepono kung para kanino ginagawa ang tawag, at, kung posible, pangalan nito o pangalan ng kumpanyang nagmamay-ari ng mga produkto o serbisyong ibinebenta.
- Magpakita ng numero ng telepono na maaari mong tawagan sa mga regular na oras ng negosyo upang hilinging hindi na matawagan. Nalalapat ang panuntunang ito sa mga kumpanyang mayroon nang naitaguydo na ugnayan sa negosyo sa iyo.
Mga Tawag at Text na Pampulitika
Nag-iiba-iba ang mga paghihigpit sa mga robocall o robotext na nauugnay sa kampanyang pampulitika batay sa kung naihatid ang tawag sa isang teleponong landline, cellphone, o ilang partikular na pinoprotektahang linya ng telepono tulad ng mga pang-emergency o toll-free na linya, o mga linyang nagsisilbi sa mga ospital o katulad na pasilidad.
Ang mga awtomatikong na-dial o paunang na-record na boses na tawag na nauugnay sa kampanyang pampulitika, kabilang ang mga awtomatikong na-dial na live na tawag, paunang na-record na boses na mensahe, at text message, ay:
- Hindi pinapayagan sa mga cellphone, pager, o iba pang mobile device nang walang paunang ipinahayag na pahintulot ng tinawagan.
- Hindi pinapayagan usa mga pinoprotektahang linya ng telepono tulad ng mga pang-emergency o toll-free na linya, o mga linyang nagsisilbi sa mga ospital o katulad na pasilidad, maliban kung ginawa nang may paunang ipinahayag na pahintulot ng tinawagan.
- Pinapayagan kapag ginawa sa mga teleponong landline, kahit na walang paunang ipinahayag na pahintulot.
Ang mga robotext - mga text message na ginawa sa pamamagitan ng awtomatikong pag-dial - ay itinuturing na uri ng tawag at sumasailalim sa lahat ng panuntunan ng robocall. Dahil karaniwang napupunta ang mga text message sa mga mobile phone, kailangan ng mga iyon ang ipinahayag na pahintulut ng tinawagan kung nagawa ang mga iyon gamit ang awtomatikong pag-dial. Gayunpaman, maaaring ipadala ang mga text message na pampulitika nang walang paunang pahintulot ng nilayong tatanggap kung hindi gumamit ang nagpadala ng teknolohiya ng awtomatikong pag-dial upang ipadala ang text.
Ang lahat ng paunang na-record na tawag ng mensaheng boses, nauugnay sa kampanya at hindi, ay dapat na may kasamang ilang impormasyon sa pagkakakilanlan:
- Ang pagkakakilanlan ng negosyo, indibidwal, o iba pang entity na nagsisimula sa tawag (at kung isang entity ng negosyo o kumpanya, ang opisyal na pangalan ng negosyo ng entity) ay dapat na malinaw na binanggit sa simula ng mensahe.
- Gayundin, dapat na ibigay ang numero ng telepono ng tumatawag habang ibinibigay o pagkatapos ibigay ang mensahe.
Mga Mapagkukunan sa Pag-block ng Tawag
Ibinibigay ang mga mapagkukunang ito upang magkaroon ka ng impormasyong magagamit mo upang i-block o i-filter ang mga hindi gustong tawag at pigilan ang mga nakakainis na robocall.
Maraming available na serbisyo sa pag-block ng tawag o pag-label ng tawag para sa mga wireless o VoIP (Voice Over Internet Protocol) na serbisyo sa telepono. Gayunpaman, mas mahirap gawin ang pag-block ng mga tawag sa mga tradisyual na teleponong copper landline. Makipag-usap sa iyong kumpanya ng telepono tungkol sa mga mapagkukunan sa pag-block o pag-label ng tawag.
Para sa pagbibigay ng impormasyon lang ang mga paglalarawan at link na ibinigay. Hindi ineendorso ng FCC ang anumang produkto o serbisyo na hindi mula sa FCC, at hindi responsable para sa nilalaman ng mga website na hindi mula sa FCC, kabilang ang kanilang katumpakan, pagiging kumpleto o napapanahon ng mga iyon.
Ang lahat ng link ay tumuturo sa mga web page sa wikang English.
Wireless/Mobile
- AT&T Mga mapagkukunan sa panloloko at seguridad, na may mga tip para mabawasan ang pagtanggap ng mga robocall.
- CTIA Mga mapagkukunan ng consumer: Paano pigilan ang mga robocall.
- Google Play Update para sa app sa telepono para sa mga Android 7.0 at mas bagong device.
- Google Project Fi Impormasyon sa pag-block ng tawag para sa Project Fi wireless service.
- T-Mobile Mga opsyon sa pagprotekta sa tawag upang matukoy o ma-block ang mga potensyal na scammer.
- U.S. Cellular Imprmasyon ng consumer sa mga robocall at pag-block ng mga app.
- US Telecom Mga tip sa consumer ng trade association at mga mapagkukunan para sa pagpigil sa mga robocall.
- Verizon Page ng suporta sa customer para pagpigil sa mga robocall (kasama ang mga mapagkukunan sa landline).
Landline/Wireline
- AT&T Impormasyon sa serbisyo ng Pagprotekta sa Tawag para sa mga customer ng wireline VoIP.
- CenturyLink Mga tip sa customer at mga link upang i-block ang mga hindi gustong tawag sa mga telepono sa bahay.
- Comcast Suporta sa customer para sa pag-set up ng pag-block ng tawag para sa XFINITY Voice at mga link sa mga nauugnay na serbisyo.
- Frontier Communications Mga gabay sa consumer sa mga feature na pag-block ng tawag at may priyoridad na pagtawag.
- NCTA Mga mapagkukunan sa edukasyon ng consumer ng The Internet & Television Association para sa pagpigil samga robocall.
- Spectrum Serbisyo ng Nomorobo upang i-block ang mga telemarketer at robocaller.
- US Telecom Mga tip sa consumer ng trade association at mga mapagkukunan para sa pagpigil sa mga robocall.
- Verizon Page ng suporta sa customer para pagpigil sa mga robocall (kasama ang mga mapagkukunan sa wireless).
- West Telecom Services Mga tip sa customer para sa pag-block ng mga tawag at mga suhestyon para sa pag-uulat ng mga "nakakainis" na tawag.
Mga Mapagkukunan ng Pamahalaan
- Federal Trade Commission Impormasyon sa consumer sa mga robocall mula sa ahensya sa pagprotekta sa consumer.
- Federal Trade Commission Paglimita sa mga hindi gustong tawag at email.
- Federal Trade Commission Ano ang isang Robocall?
- Federal Trade Commission Pag-block ng Mga Hindi Gustong Tawag.
- Internal Revenue Service Mga alerto sa consumer ng IRS sa mga scam sa buwis.
- National Do Not Call Registry Irehistro ang iyong numero sa listahan ng 'Huwag Tawagan' upang hindi ka tawagan ng mga telemarketer. Maghain ng reklamo kung makatanggap ka ng hindi gustong tawag ng telemarketing 31 araw pagkatapos na magparehistro.
Mga Organisasyon ng Consumer
- National Consumers League Ang mga pinakabagong alerto sa panloloko, na may impormasyon kung paano mapoprotektahan ang iyong sarili mula sa mga scam na naglalabasan.
Mga Materyal ng Robocall Strike Force
Nasa ibaba ang mga mapagkukunan at materyal na nauugnay sa Robocall Strike Force, isang inisyatibong pinangungunahan ng industriya bilang tugon sa isang pagnanais na gumawa ng pagkilos mula sa FCC noong 2016 na nagdidirekta sa industriya na bumuo ng planong pagkilos para gawing available ang mga kumprehensibong solusyon upang mapigilan, matukoy, at ma-filter ang mga hindi gustong robocall.
- Pahayag ni Chairman Pai sa Ulat ng Robocall Strike Force (PDF, Abril 28, 2017)
- Ulat ng Robocall Strike Force (PDF, Abril 28, 2017)
- Ulat ng Robocall Strike Force (PDF, Okt. 26, 2016)
- Pagsusuri ng FCC ng Ulat ng Robocall Strike Force noong Okt. 26, 2016 (PDF)
- Pagpupulong ng Robocall Strike Force noong Okt. 26, 2016
- Panimulang Pagpupulong ng Robocall Strike Force noong Ago. 19, 2016
Listahan ng Huwag Tawagan
Pinoprotektahan ng pambansang listahan ng Huwag Tawaganang mga numero ng landline at mobile phone. Maaari mong irehistro ang iyong numero sa pambansang listahan ng Huwag Tawagan nang libre sa pamamagitan ng pagtawag sa 1-888-382-1222 (boses) o 1-866-290-4236 (TTY). Dapat kang tumawag mula sa numero ng telepono na nais mong iparehistro. Maaari ka ring magparehistro sa donotcall.gov (sa English).
Dapat na alisin ng mga telemarketer ang iyong mga numero mula sa kanilang mga listahan ng tatawagan at huminto sa pagtawag sa iyo sa loob ng 31 araw mula sa petsa noong magparehistro ka. Mananatili sa listhan ang iyong mga numero hanggang sa alisin mo ang mga iyon o huminto sa serbisyo – hindi kailangang muling magrehistro ng mga numero.
Sa ilalim ng mga panuntunan ng FCC, dapat na ibigay ng mga telemarketer na tumatawag sa iyong bahay ang kanilang pangalan, kasama ang pangalan, numero ng telepono, at address kung saan maaaring makaugnayan ang kanilang employer o contractor. Ipinagbabawal ang mga tawag ng telemarketing sa iyong bahay bago ang 8 am o pagkatapos ng 9 pm, at kailangang sumunod agad ang mga telemarketer sa anumang kahilingang huwag tawagan na gagawin mo habang nasa tawag.
Nasa Pambansang Registry ng Huwag Tawagan ka man o wala, sabihin sa mga hindi gustong tumatawag na hindi mo pinapahintulutan ang tawag at ilagay ka nila sa internal na listahan ng huwag tawagan. Itala ang numero ng tumatawag at kapag nahiling mo nang huwag matawagan, at maghain ng reklamo sa FCC kung hindi sumunod ang tumatawag sa iyong kahilingan.
Ang pangangalap sa telepono ay isang tawag sa telepono na nagsisilbing isang advertisement. Gayunpaman, napapahintulutan ang ilang pangangalap sa telepono sa ilalim ng mga panuntunan ng FCC, kabilang ang: mga tawag o mensaheng ginawa nang may paunang ipinahayag na pahintulot mo, ng o sa ngalan ng isang tax-exempt non-profit na organisasyon, o mula sa isang tao o organisasyon. Gayunpaman, ang pagkakaroon ng naitaguyod na ugnayan sa negosyo ay hindi na nakakatugon sa mga panuntunan para sa napapahintulutang hindi hinihinging tawag sa iyong teleponong landline. Dapat na makuha ng mga kumpanya at telemarketer ang iyong ipinahayag na pahintulot upang makatawag.
Oo. Marami na ngayong estado ang may pambuong estadong listahan ng huwag tawagan para sa mga residente. Makipag-ugnayan sa komisyon sa serbisyo sa publiko o opisina sa pagprotekta sa consumer ng iyong estado upang makita kung may ganoong listahan ang iyong estado, at upang malaman kung paano irehistro ang iyong numero o mga numero. Para sa impormasyon sa pakikipag-ugnayan para sa iyong komisyon sa serbisyo sa publiko , tingnan ang mga listahan ng pamahalaan o mga blue page ng iyong lokal na directory ng telepono.
Kung makatanggap ka ng pangangalap sa telepono na sa tingin mo ay lumalabag sa anumang mga panuntunan ng FCC, maaari kang maghain ng reklamo sa FCC (sa English). Maaaring magbigay ang FCC ng babala at magpataw ng mga multa laban sa mga kumpanyang lumalabag o pinaghihinalaang lumalabag sa mga panuntunan ng huwag tawagan, ngunit hindi nagbibigay ng mga indibidwal na danyos.
Mga Kahilingan para sa Alternatibong Format
Maaaring humiling ang mga taong may kapansanan sa paningin ng mga bersyon sa braille, may malaking print, o magagamit sa screen-reader ng artikulong ito sa pamamagitan ng anyong email sa fcc504@fcc.gov (sa English). Para sa audio at iba pang access, gamitin ang link na "I-explore ang Mga Opsyon sa Accessibility."
Help Center ng Consumer
Matuto tungkol sa mga isyu ng consumer - bisitahin ang Help Center ng Consumer ng FCC sa fcc.gov/consumers. Nasa wikang Ingles ang web page)
Maghain ng Reklamo sa FCC
Pumunta sa aming Center sa Pagrereklamo ng Consumer sa consumercomplaints.fcc.gov (nasa wikang Ingles ang web page) upang maghain ng reklamo o sabihin sa amin ang nangyari sa iyo.