Søren Kierkegaard
Si Søren Aabye Kierkegaard (5 Mayo 1813 – 11 Nobyembre 1855) ay isang pilosopo at teologo mula sa Dinamarka noong ikalabing-siyam na daang taon. Nagkamit siya ng pagkilala bilang unang pilosopong eksistensiyalista.
Nagsulat siya ng maraming pilosopikong mga aklat na hinggil sa pananampalataya, pag-iral o eksistensiya, mga damdamin, at mga emosyon. Hindi niya gusto ang mga taong sumusubok na gawing pampolitika ang Kristiyanismo at hindi rin niya ibig ang mga taong sumusubok na limitahin ang isang indibiduwal para sa pagsang-ayon ng maraming mga tao. Maraming mga tao ang nakatagpo sa kanyang mga gawa bilang may intriga at tinanggap ang mga akdang ito bilang dakilang mga gawa sa larangan ng pilosopiya. Inisip ni Ludwig Wittgenstein, isang pilosopo noong ika-20 daang taon, na si Kierkegaard ang pinaka marubdob o pinaka ganap na tagapag-isip noong ika-19 daang taon.[4][5]
Talambuhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ipinanganak siya sa Copenhagen, Dinamarka. Nag-aral siya sa Pamantasan ng Copenhagen at nakatanggap ng degri ng pagkamaestro noong 1841. Sa panahong ito, noong 1837, nakatagpo at umibig siya kay Regine Olsen, isang napakahalagang tao para sa kanya. Bagaman nagkaroon sila ng kasunduang magpapakasal, sa loob ng isang panahon, pinatid ni Kierkegaard ang kasunduang ito noong 1841. Pagkaraan ng kanyang pakikipaghiwalay kay Olsen, itinuon niya ang karamihan sa kanyang oras sa pagsusulat ng magkakasunod na mga aklat, sa isang paraang napakadramatiko ngunit banayad naman. Bilang karagdagan, nagsulat siya at gumamit ng mga bansag para sa kanyang mga akda. Bagaman hindi naging tanyag ang kanyang mga nagawa noong panahon ng kanyang buhay, naging bantog ang kanyang mga akda pagkaraan ng kanyang kamatayan, at nakaimpluensiya sa ika-20 at ika-21 na mga daang taon.
Mga akda
[baguhin | baguhin ang wikitext]Narito ang ilang mga gawa ni Kierkegaard, na may kasamang mga pamagat na nasa wikang Danes sa gawing kanan:
- (1841) The Concept of Irony (Om Begrebet Ironi med stadigt Hensyn til Socrates)
- (1843) Either/Or (Enten - Eller)
- (1843) Fear and Trembling (Frygt og Bæven)
- (1843) Repetition (Gjentagelsen)
- (1844) Philosophical Fragments (Philosophiske Smuler)
- (1844) The Concept of Dread (Begrebet Angest)
- (1845) Stages on Life's Way (Stadier paa Livets Vei)
- (1846) Concluding Unscientific Postscript to The Philosophical Fragments (Afsluttende uvidenskabelig Efterskrift)
- (1847) Edifying Discourses in Divers Spirits
- (1847) Works of Love (Kjerlighedens Gjerninger)
- (1848) Christian Discourses (Christelige Taler)
- (1849) The Sickness Unto Death (Sygdommen til Døden)
- (1850) Training in Christianity (Indøvelse i Christendom)
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ This classification is anachronistic; Kierkegaard was an exceptionally unique thinker and his works do not fit neatly into any one philosophical school or tradition, nor did he identify himself with any. His works are considered precursor to many schools of thought developed in the 20th and 21st centuries. See 20th century receptions in Cambridge Companion to Kierkegaard.
- ↑ Hannay & Marino 1997
- ↑ The influence of Socrates can be seen in Kierkegaard's Sickness Unto Death and Works of Love.
- ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2006-05-04. Nakuha noong 2010-01-11.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-08-22. Nakuha noong 2010-01-11.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao at Pilosopiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.