[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Ptolomeo V Epiphanes

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Si Ptolomeo V Epiphanes Eucharistos[3] (Griyego: Πτολεμαῖος Ἐπιφανής Εὐχάριστος, Ptolemaĩos Epiphanḗs Eucharistos "Ptolemy ang Nahayag , ang Matulungin"; 9 Oktubre 210–Setyembre 180 BCE) ang paraon ng Kahariang Ptolemaikp mula Hulyo o Agosto 204 BCE hanggang sa kanyang kamatayan noong 180 BCE. Siya ang anak ni Ptolomeo IV Philopator at Arsinoe III. Siya ay naging hari ng mamatay ang kanyang mga magulang sa misteryong mga sirkumstansiya. Ang bagong rehenteng s Agathocles ay malawakang tinutuya at pinatalsik sa isang himagsikan noong 202 BCE ngunit ang mga sumunod na rehente ay mga walang kakayahan at ang kaharian ay naparalisa. Ito ay sinamantala ng hari ng Imperyong Seleucid na si Antiochus III at hari ng Antigonid na si Felipe V ng Macedon upang simulan ang Ikalimang Digmaang Syrio (202-196 BCE) kung saan natalo ang mga Ptolemaikong hari at nawalan ng kanilang mga teritoryo sa Asya Menor at Levan at ang kanilang impluwensiya sa Dagat Egeo. Sa parehong panahon, si Ptolomeo V ay humarap sa isang malawakang paghihimagsik ng mga Ehipsiyo noong 206-185 BCE na pinangunahan ng nag-angkin sa sariling mga paraon na sina Horwennefer at Ankhwennefer na humantong sa pagkawala ng karamihan ng Mataas na Ehipto at Mababang Ehipto.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Clayton (2006) p. 208.
  2. 2.0 2.1 Bennett, Chris. "Ptolemy V". Egyptian Royal Genealogy. Nakuha noong 7 Nobyembre 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Hölbl, Günther (2013-02-01). A History of the Ptolemaic Empire (sa wikang Ingles). Routledge. p. 171. ISBN 978-1-135-11983-6.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)