[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Paleolitiko

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang Paleolitiko

bago ang Homo ([paleothic]])<

Mababang Paleolitiko (c. 2.6 Ma–300 ka)

Oldowan (2.6–1.8 Ma)
Acheulean (1.7–0.1 Ma)
Clactonian (0.3–0.2 Ma)

Gitnang Paleolitiko (300–30 ka)

Mousterian (300–30 ka)
Aterian (82 ka)

Itaas na Paleolitiko (50–10 ka)

Baradostian (36 ka)
Châtelperronian (35–29 ka)
Aurignacian (32–26 ka)
Gravettian (28–22 ka)
Solutrean (21–17 ka)
Magdalenian (18–10 ka)
Hamburg (15 ka)
Ahrensburg (13 ka)
Swiderian (10 ka)
Mesolitiko
Panahong Bato

Ang Paleolitiko ay ang panahon kung saan makikita/nakikita ang pagbabagong-anyo ng tao. Isa sa mga pinakamahalagang pangyayari dito ay ang pagdiskubre ng apoy. Ang mga tao sa Paleolitiko ay mga nomadiko, o walang permanenteng tirahan. Hinahati ang panahong Paleolitiko sa tatlong bahagi: Mababa, Gitna at Itaas. Ang Panahon ng Mababang Paleolitiko ay sinasabing panahon ng pagbabago ng anyo ng tao. Dito nakita ang isa sa mga pinakamahalagang yugto ng tao na tawag ay Australopithecine. Sinasabi ang nahukay na si Lucy ay isang Australopithecine. Ang Panahon ng Gitnang Paleolitiko ay sinasabing panahon ng pagkontrol ng mga Hominid sa kanilang kapaligiran. Sa panahon ring ito nagsimula maihayag ng mga tao ng artistikong mga abilidad. Gumuguhit sila sa mga bato at pinipinta nila ang kanilang mga katawan. Ang Panahon ng Itaas na Paleolitiko ay sinasabing panahon ng pagbuo ng kalinangan ng mga tao. Sa panahon ring ito umusbong ang mga Cro-Magnon. Sa panahong ito nagbago ang mga gawi, asal at pamumuhay ng mga tao.

Etimolohiya ng paleolitiko

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang katawagang Ingles na "Palaeolithic" ay nilikha ng arkeologong si John Lubbock noong 1865.[1] Hinango ito mula sa Griyegong salita: παλαιός, palaios, "luma"; at λίθος, lithos, "bato", nangangahulugang "lumang panahon ng bato."

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Lubbock, John (2005) [1872]. "4". Pre-Historic Times, as Illustrated by Ancient Remains, and the Manners and Customs of Modern Savages (sa wikang Ingles). Williams and Norgate. p. 75. ISBN 978-1421270395 – sa pamamagitan ni/ng Elibron Classics.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Kasaysayan Ang lathalaing ito na tungkol sa Kasaysayan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.