Miss World 1971
Miss World 1971 | |
---|---|
Petsa | 10 Nobyembre 1971 |
Presenters |
|
Pinagdausan | Royal Albert Hall, Londres, Reyno Unido |
Brodkaster | BBC |
Lumahok | 56 |
Placements | 15 |
Bagong sali |
|
Hindi sumali |
|
Bumalik |
|
Nanalo | Lúcia Petterle Brasil |
Ang Miss World 1971 ay ang ika-21 edisyon ng Miss World pageant, na ginanap sa Royal Albert Hall sa Londres, Reyno Unido noong 10 Nobyembre 1971.[1][2]
Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Jennifer Hosten ng Grenada si Lúcia Petterle ng Brasil bilang Miss World 1971.[3] Ito ang kauna-unahang tagumpay ng Brasil sa kasaysayan ng kompetisyon. Nagtapos bilang first runner-up si Marilyn Ward ng Reyno Unido, samantalang nagtapos bilang second runner-up si Ana Paula de Almeida ng Portugal.
Isang buwan matapos magwagi si Petterle bilang Miss World, ay hindi na ito pinayagang gamitin ang kanyang karapatang gamitin ang kanyang titulo sa mga pagpapalatastas. Ito ay matapos niyang hindi pirmahan ang kanyang kontrata sa Miss World at umuwi ito sa Rio de Janeiro dahil nais niya munang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.[4] Bagama't hindi na niya maaaring gamitin ang kanyang titulo sa kahit anong komersiyal na pamamaraan ay nanatili pa rin si Petterle bilang Miss World.[5][6]
Limampu't-anim na kandidata mula sa limampu't-limang bansa at teritoryo ang lumahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan nina Michael Aspel at David Vine ang kompetisyon.[7]
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pagpili ng mga kalahok
[baguhin | baguhin ang wikitext]Limampu't-anim na kandidata mula sa limampu't-limang bansa at teritoryo ay napili upang lumahok sa kompetisyon. Apat na kandidata ang nailuklok upang kumatawan sa kanilang mga bansa/teritoryo matapos maging runner-up sa kanilang pambansang kompetisyon, o napili sa isang casting process, at dalawang kandidata ang nailuklok matapos bumitiw ang orihinal na kalahok.
Mga pagpalit
[baguhin | baguhin ang wikitext]Dapat sanang lalahok si Miss Nicaragua 1971 Xiomara Paguaga sa edisyong ito, ngunit siya ay biglang pinalita ni Miss Nicaragua 1969 Soraya Herrera bilang kinatawan ng Nikaragwa dahil sa hindi isiniwalat na dahilan. Dapat din sanang lalahok ang second runner-up ng Miss Holland 1971 na si Pia Solleveld sa edisyong ito,[8] ngunit dahil bumitiw ito dahil sa hindi isiniwalat na dahilan, siya ay pinalitan ng third runner-up na si Monica Strotmann.
Mga unang pagsali, pagbalik, at pag-urong
[baguhin | baguhin ang wikitext]Lumahok sa unang pagkakataon ang mga teritoryong Bermuda at Guam. Bumalik sa edisyong ito ang mga bansang Aruba at Trinidad at Tobago na huling sumali noong 1966, Paragway na huling sumali noong 1967, at Panama na huling sumali noong 1969.
Hindi sumali ang mga bansang Dinamarka, Gambya, Grenada, Hong Kong, Kolombya, Libano, Liberya, at Niherya sa edisyong ito. Hindi sumali sina Dorrit Weinrich ng Dinamarka at María Mónica Buitrón ng Kolombya dahil sa kakulangan sa pondo upang ipadala sila sa Londres.[9] Hindi sumali si Nadia Arslan ng Libano dahil sa kakulangan sa oras maghanda para sa kompetisyon. Hindi sumali ang mga bansang Gambya, Grenada, Hong Kong, Liberya, at Niherya matapos na mabigo ang kanilang organisasyong pambansa na magdaos ng kompetisyong pambansa o magtalaga ng kalahok.
Kinumpirma rin na sasali sina Rosa María Rivera ng Kosta Rika,[10] Yasmin Saif ng Singapura,[11] at Alba Techeira ng Urugway, ngunit hindi sumipot sa Londres ang mga ito. Dapat rin sanang magkakaroon ng kandidata sa edisyong ito ang Uganda, ngunit sa gabi ng kompetisyon ay biglang tinakasan ng organizer ang kompetisyon kasama ang papremyo sana para sa magwawagi.[12]
Mga kontrobesiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Bunsod ng mga nangyaring protesta sa loob ng Royal Albert Hall sa kasagsagan ng Miss World noong nakaraang taon,[13][14] hinigpitan ang seguridad sa loob at labas ng Royal Albert Hall upang hindi maulit ang nasabing pangyayari.[15] Hinigpitan rin ang seguridad sa mga kandidata sa posibleng demonstrasyon ng IRA laban sa kandidata ng Irlanda na si June Glover.[15][16] Ito ay matapos matuklasan ng mga organizer ng Miss World na si Glover ay pinanganak sa Belfast sa Hilagang Irlanda.[15] Labag ito sa patakaran ng Miss World na dapat ipinanganak ang mga kandidata sa bansang kanilang kinakatawan. Gayunpaman, binago ni Julia Morley ang patakarang ito upang payagan si Glover na magpatuloy dahil kung ididiskwalipika ni Morley si Glover dahil sa patakarang ito, matatanggal rin sa kompetisyon sina Valerie Roberts ng Australya na ipinanganak sa Inglatera at Patrice Sollner ng Suwisa na ipinanganak sa Pransiya.[7]
Mga resulta
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga pagkakalagay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pagkakalagay | Kandidata |
---|---|
Miss World 1971 | |
1st runner-up |
|
2nd runner-up | |
3rd runner-up | |
4th runner-up | |
Top 7 |
|
Top 15 |
Kompetisyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pormat
[baguhin | baguhin ang wikitext]Tulad noong 1961, labinlimang semi-finalist ang napili sa pamamagitan ng paunang kompetisyon na ginanap sa araw ng pinal na kompetisyon na binubuo ng swimsuit at evening gown competition. Lumahok sa swimsuit competition at evening gown competition ang labinlimang mga semi-finalist, at kalaunan ay napili ang pitong pinalista na sumabak sa final interview.
Komite sa pagpili
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Peter Dimmock – Isang executive mula sa BBC[20]
- Julie Ege – Noruwegang modelo at aktres; Miss Norway 1962[20]
- Douglas Fairbanks Jr. – Amerikanong aktor at producer[20]
- Des O'Connor – Ingles na aktor at komedyante[20]
- Peter Scott – Ingles na manunulat at ornitolohista; isa tagapagtatag ng World Wildlife Fund for Nature[20]
- Sam Speigel – Polako-Amerikanong film producer[20]
- Jean Tyrell – Amerikanang mang-aawit na miyembro ng grupong The Supremes[20]
- Lovelace Watkins – Amerikanang mang-aawit[20]
- Peter Wyngard – Ingles na aktor[20]
Mga kandidata
[baguhin | baguhin ang wikitext]Limampu't-anim na kandidata ang kumalahok para sa titulo.[21]
Bansa/Teritoryo | Kandidata | Edad[a] | Bayan |
---|---|---|---|
Alemanya | Irene Neumann[22] | 23 | Garmisch-Partenkirchen |
Arhentina | Alicia Daneri | 20 | Buenos Aires |
Aruba | Elizabeth Bruin[23] | 19 | Oranjestad |
Australya | Valerie Roberts[24] | 24 | Melbourne |
Austrya | Waltraud Lucas | 20 | Ferlach |
Bagong Silandiya | Linda Ritchie[25] | 21 | Auckland |
Bahamas | Frances Clarkson[7] | 20 | Nassau |
Belhika | Martine De Hert[26] | 18 | Amberes |
Beneswela | Ana María Padrón[27] | 20 | Caracas |
Bermuda | Rene Furbert | 20 | Paget Parish |
Brasil | Lúcia Petterle[28] | 22 | Rio de Janeiro |
Ceylon | Gail Abayasinghe[29] | 20 | Colombo |
Ekwador | María Cecilia Gómez[30] | 20 | Guayaquil |
Espanya | María García[31] | 21 | Madrid |
Estados Unidos | Brucene Smith[32] | 20 | Port Lavaca |
Gresya | Maria Maltezou | 21 | Atenas |
Guam | Deborah Bordallo | 17 | Yona |
Guyana | Nalini Moonsar[33] | 20 | Skeldon |
Hamayka | Ava Joy Gill[34] | 18 | Mona |
Hapon | Emiko Ikeda[35] | 21 | Tokyo |
Hibraltar | Lisette Chipolina[36] | 19 | Hibraltar |
Indiya | Prema Narayan[37] | 18 | Kalimpong |
Irlanda | June Glover[38] | 22 | Dublin |
Israel | Miri Ben-David[39] | 19 | Tel-Abib |
Italya | Maria Pinnone[40] | 18 | Roma |
Kanada | Lana Drouillard[41] | 21 | Ancaster |
Luksemburgo | Mariette Werckx | 19 | Lungsod ng Luksemburgo |
Lupangyelo | Fanney Bjarnadóttir[42] | 18 | Reikiavik |
Malaysia | Daphne Munro[43] | 24 | Shah Alam |
Malta | Doris Abdilla[44] | 20 | Birżebbuġa |
Mawrisyo | Marie-Anne Ng Sik Kwong[45] | 20 | Port Louis |
Mehiko | Lucía Arellano | 18 | Zacatecas |
Nikaragwa | Soraya Herrera | 20 | Managua |
Noruwega | Kate Starvik[7] | 19 | Oslo |
Olanda | Monica Strotmann[46] | 18 | – |
Panama | María de Lourdes Rivera[47] | 19 | Lungsod ng Panama |
Paragway | Rosa María Duarte[48] | 19 | Asuncion |
Pinlandiya | Mirja Halme[49] | 23 | Helsinki |
Pilipinas | Onelia Ison Jose[50] | 19 | Maynila |
Porto Riko | Raquel Quintana | 19 | San Juan |
Portugal | Ana Paula de Almeida[51] | 19 | Lourenço Marques |
Pransiya | Myriam Stocco[52] | 22 | Beaucaire |
Republikang Dominikano | Haydée Kuret[53] | 17 | Barahona |
Reyno Unido | Marilyn Ward[54] | 22 | Lymington |
Seykelas | Nadia Morel du Boil | 20 | Victoria |
Suwesya | Simonetta Kohl[55] | 18 | Lund |
Suwisa | Patrice Sollner | 26 | Aargau |
Taylandiya | Boonyong Thongboon | 20 | Bangkok |
Timog Aprika | Gaily Ryan[56] | 20 | – |
Monica Fairall[57] | 23 | Durban | |
Timog Korea | Lee Young-eun | 21 | Seoul |
Trinidad at Tobago | Maria Jordan | 24 | Port of Spain |
Tsipre | Kyriaki Koursoumba | 19 | Nicosia |
Tunisya | Souad Keneari[58] | 22 | Tunis |
Turkiya | Nil Menemencioglu[59] | 21 | Istanbul |
Yugoslavia | Zlata Petković[60] | 17 | Svrljig |
Mga tala
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Mga edad sa panahon ng kompetisyon
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "'s Werelds mooisten zijn niet miss!" [The world's most beautiful are not to be missed!]. Nieuwsblad van het Noorden (sa wikang Olandes). 6 Nobyembre 1971. p. 3. Nakuha noong 25 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Girls and boys demonstrate at Miss World". The Tampa Tribune (sa wikang Ingles). 11 Nobyembre 1971. p. 68. Nakuha noong 25 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Muccini, Peter (11 Nobyembre 1971). "Brazilian is Miss World". Youngstown Vindicator (sa wikang Ingles). p. 5. Nakuha noong 24 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Miss World in 'deep freeze'". Evening Times (sa wikang Ingles). 16 Disyembre 1971. p. 4. Nakuha noong 24 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Miss Mundo pode perder seu titulo" [Miss World could lose her title]. Jornal do Brasil (sa wikang Portuges). 16 Disyembre 1971. p. 30. Nakuha noong 24 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Outbursts cost beauty queen". Rome News-Tribune (sa wikang Ingles). 16 Disyembre 1971. p. 1. Nakuha noong 24 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 7.0 7.1 7.2 7.3 "Beauty bombshell". The Straits Times (sa wikang Ingles). 21 Nobyembre 1971. p. 5. Nakuha noong 25 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Pia Solleveld, Nederlands jongste muziekuitgeefster" [Pia Solleveld, the Netherlands' youngest music publisher]. Tubantia (sa wikang Olandes). 1 Oktubre 1974. p. 11. Nakuha noong 25 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Caldas gano reinado". El Tiempo (sa wikang Kastila). 12 Nobyembre 1970. pp. 1, 13. Nakuha noong 4 Enero 2023.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Elegida la Miss Costa Rica que ira a Miami" [Elected the Miss Costa Rica who will go to Miami]. La Nacion (sa wikang Kastila). 10 Mayo 1971. p. 60. Nakuha noong 31 Hulyo 2023 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "All-around girl is pretty Yasmin". New Nation (sa wikang Ingles). 20 Abril 1971. p. 16. Nakuha noong 25 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "It was 'no contest'". The Town Talk (sa wikang Ingles). 25 Nobyembre 1971. p. 49. Nakuha noong 31 Enero 2023 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Pape, Gordon (20 Nobyembre 1970). "Cattle show". Ottawa Citizen (sa wikang Ingles). p. 29. Nakuha noong 20 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archives.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "The feminists who flour bombed the 1970 Miss World pageant". The Independent (sa wikang Ingles). 27 Nobyembre 2020. Nakuha noong 20 Marso 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 15.0 15.1 15.2 "Miss World contest: tight security". The Straits Times (sa wikang Ingles). 10 Nobyembre 1971. p. 3. Nakuha noong 25 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "AlVeuttacco su tutti i fronti i terroristi irlandesi" [Irish terrorists are under attack on all fronts]. La Stampa (sa wikang Italyano). 9 Nobyembre 1971. p. 3. Nakuha noong 25 Marso 2024.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Brazil beauty reigns". Quad-City Times (sa wikang Ingles). 11 Nobyembre 1971. p. 24. Nakuha noong 24 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 18.0 18.1 18.2 18.3 "'Human cattle' lovely!". The Montreal Gazette (sa wikang Ingles). 11 Nobyembre 1971. p. 1. Nakuha noong 24 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Tawny-haired student selected Miss World". Times Daily (sa wikang Ingles). 11 Nobyembre 1971. p. 13. Nakuha noong 24 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 20.0 20.1 20.2 20.3 20.4 20.5 20.6 20.7 20.8 "On top of the world". The Glasgow Herald (sa wikang Ingles). 11 Nobyembre 1971. p. 1. Nakuha noong 24 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "The Miss World stakes". Daily Mirror (sa wikang Ingles). 10 Nobyembre 1971. pp. 16–17. Nakuha noong 24 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Hamburger diet upsets Bonn beauty". The Orlando Sentinel (sa wikang Ingles). 6 Hulyo 1970. p. 9. Nakuha noong 22 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Vallita Maduro wins Miss Aruba title at Divi Divi Hotel July 3". Aruba Esso News (sa wikang Ingles). 16 Hulyo 1971. p. 7. Nakuha noong 4 Enero 2023 – sa pamamagitan ni/ng Digital Library of the Caribbean.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Representing Australia". The Australian Women's Weekly (sa wikang Ingles). 29 Setyembre 1971. p. 8. Nakuha noong 24 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Trove.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Whaitiri, Delilah (28 Abril 2021). "Local Focus: Miss Rotorua to become a reality series". NZ Herald (sa wikang Ingles). Nakuha noong 26 Disyembre 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Miss België, achter de schermen". Het Nieuwsblad (sa wikang Olandes). 23 Oktubre 2002. Nakuha noong 26 Disyembre 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Miss Venezuela deja sus estudios de química" [Miss Venezuela leaves her chemistry studies]. La Nacion (sa wikang Kastila). 5 Disyembre 1971. p. 14. Nakuha noong 24 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Veja quais foram as primeiras brasileiras mais bonitas do mundo" [See who were the first most beautiful Brazilian women in the world]. Notícias ao Minuto Brasil (sa wikang Portuges). 30 Hunyo 2018. Nakuha noong 24 Marso 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Sunkissed beauties dazzle them all". The Straits Times (sa wikang Ingles). 7 Nobyembre 1971. p. 2. Nakuha noong 16 Hunyo 2023 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Las reinas en la torre". El Tiempo (sa wikang Kastila). 7 Nobyembre 1971. p. 6. Nakuha noong 24 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Couzens, Gerard (18 Enero 2017). "Ex Miss World 'paid by Spanish spies for silence over king affair'". Mail Online (sa wikang Ingles). Nakuha noong 24 Marso 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Miss World-USA won by Texan". Lawrence Journal-World (sa wikang Ingles). 4 Oktubre 1971. p. 6. Nakuha noong 24 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Rafieya in top ten at Miss World". Stabroek News (sa wikang Ingles). 15 Disyembre 2014. Nakuha noong 16 Marso 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Jackson, Kevin (8 Agosto 2021). "Reflections of a queen". Jamaica Observer (sa wikang Ingles). Nakuha noong 19 Marso 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Pretty pose". Daytona Beach Morning Journal (sa wikang Ingles). 6 Nobyembre 1971. p. 17. Nakuha noong 24 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Untitled". Evening Times (sa wikang Ingles). 29 Oktubre 1971. p. 2. Nakuha noong 24 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Roychoudhury, Amborish (26 Pebrero 2022). "From School Teacher To Bollywood Diva: The Adventures Of Prema Narayan". Outlook India (sa wikang Ingles). Nakuha noong 24 Marso 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Miss Australia provoque les paris... 14 centre un". Le Quotidien Populaire (sa wikang Pranses). 3 Nobyembre 1971. p. 83. Nakuha noong 24 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "British girl favored". Spokane Daily Chronicle (sa wikang Ingles). 10 Nobyembre 1971. p. 61. Nakuha noong 24 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "L'Italia a Londra". La Stampa (sa wikang Italyano). 7 Nobyembre 1971. p. 22. Nakuha noong 25 Marso 2024.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Beneteau, Ann (10 Hulyo 1971). "Secret was to be herself". The Windsor Star (sa wikang Ingles). p. 8. Nakuha noong 16 Enero 2023 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Het is weer Miss" [It's Miss again]. Limburgsch dagblad (sa wikang Olandes). 5 Nobyembre 1971. p. 1. Nakuha noong 25 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Beauty contest winners". The Straits Times (sa wikang Ingles). 30 Agosto 1971. p. 28. Nakuha noong 31 Enero 2023 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Untitled". Evening Times (sa wikang Ingles). 25 Oktubre 1971. p. 2. Nakuha noong 24 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Maria Allard, Miss Mauritius d?un décevant concours" [Maria Allard, Miss Mauritius in a disappointing competition]. L'express (sa wikang Pranses). 11 Hunyo 2004. Nakuha noong 24 Marso 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Mooie meisjes in nationale kostuums" [Beautiful girls in national costumes]. Het vrije volk (sa wikang Olandes). 5 Nobyembre 1971. p. 5. Nakuha noong 25 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ McNicoll, Don (3 Nobyembre 1971). "Mellizas panamenas se destacan en el concurso Miss Mundo". La Nacion (sa wikang Kastila). p. 14. Nakuha noong 24 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Untitled". La Nacion (sa wikang Kastila). 5 Nobyembre 1971. p. 14. Nakuha noong 24 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Missit Lontooseen". Helsingin Sanomat (sa wikang Pinlandes). 2 Nobyembre 1971. Nakuha noong 31 Enero 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Burton-Titular, Joyce (1 Oktubre 2013). "From Vivien to Megan: The PH in Miss World history". Rappler (sa wikang Ingles). Nakuha noong 3 Hunyo 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Brazil's medical student is Miss World". New Nation (sa wikang Ingles). 11 Nobyembre 1971. p. 1. Nakuha noong 25 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Miss France 1971 : cette année de règne qui a changé la vie de la Gardoise Myriam Stocco". Midi Libre (sa wikang Pranses). 19 Disyembre 2020. Nakuha noong 13 Enero 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Hombre y Mujer del Año - Haydee Kuret de Rainieri". Diario Libre (sa wikang Kastila). 29 Enero 2007. Nakuha noong 24 Marso 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Marilyn is the new Miss UK". Daily Mirror (sa wikang Ingles). 21 Agosto 1971. p. 1. Nakuha noong 24 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Beauty pageants from the past in all their crowning glory". Herald Sun (sa wikang Ingles). Nakuha noong 24 Marso 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "African beauty". The Straits Times. 24 Oktubre 1971. p. 3. Nakuha noong 25 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Obituary: Monica Fairall - broadcaster, musician and Miss SA". The Witness (sa wikang Ingles). 22 Hunyo 2009. Nakuha noong 24 Marso 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Ben Khalifa, Lotfi (14 Pebrero 2019). "Voyage avec les nymphes tunisiennes". Le Temps (sa wikang Pranses). Nakuha noong 30 Enero 2023 – sa pamamagitan ni/ng PressReader.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Miss Turkey listesi, geçmişten günümüze Miss Turkey birincileri" [All past Miss Turkey winners]. Habertürk (sa wikang Turko). 22 Setyembre 2017. Nakuha noong 12 Marso 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "The deceased actress Zlata Petković". Vijesti (sa wikang Ingles). 3 Disyembre 2012. Nakuha noong 24 Marso 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)