[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Hajj

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Isang dumadaing na namamakay sa Masjid al-Haram, ang moske sa palibot ng Kaaba (ang gusali sa gitna). Sa larawan ito ng Hajj noong 2004, libu-libong mga namamakay ang naglalakad sa palibot ng Kaaba sa direksiyon kontra-orasan (Tawaf).

Ang Hajj (Arabe: حجḤaǧǧ) ay ang pamamakay sa Mecca (Makkah), na tinuturing banal ng mga Muslim. Ito ang pinakamalaking taunang pamamakay sa buong mundo[1], at ikalimang haligi ng Islam, isang obligasyon na kailangang gampanan kahit minsan sa buong buhay ng walang kapansanang Muslim na may-kaya. Tinatawag na Hadji, na nangangahulugang peregino o namamakay, ang sinumang makapaglalakbay patungong Mecca. Pagpapakita ng katatagan ng mga Muslim at kanilang pagtalima kay Allah (Diyos) ang Hajj.[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Atlas of Holy Places, p. 29
  2. Dalia Salah-El-Deen, Significance of Pilgrimage (Hajj) Naka-arkibo 2009-06-06 sa Wayback Machine.


RelihiyonIslam Ang lathalaing ito na tungkol sa Pananampalataya at Islam ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.