Kulturang indibidwalistiko
Ang Kulturang indibdiwalistiko ay isang uri ng kultura na nagbibigay halaga sa indibdiwal o sarili kesa sa isang grupo. Kabilang sa mga bansa na ang kultura ay indibidwalistiko ang Estados Unidos, Canada, Australia, Alemanya at Netherlands. Ang salungat nito ay mga Kulturang kolektibo o mga kulturang nagbibigay halaga sa isang grupo sa halip na sa sarili. Ang mga kulturang indibidwalistiko ay nagbibigay tuon sa kamalayang Ako sa halip na kamalayang Kami. Ang mga kulturang indidbidwalistiko ay nagbibigay halaga sa sariling pananaw, pribasiya, autonomiya(pangangasiwa sa sariling buhay), pag-asa sa sarili at sariling sikap. Ang mga kulturang indibidwalistiko ay gumagamit ng diretsang pakipagtalastasan, naghahayag sa sariling naisin, at gumagamit ng mga iba't ibang paraan upang maayos ang mga alitan sa ibang kapwa tao. Ang mga kulturang indidbidwalistiko ay isang uri rin ng may mababang pagitan ng kapangyarihan(low power distance culture) kung saan ito ay nagbibigay halaga sa bawat indibidwal na walang tinitingnang estado o katayuan sa buhay at nagtatakwil ng kawalang kapantayan sa lipunan. Tinatakwil ng mga kulturang indibidwalistiko ang mga autoridad sa ikabubuti ng bawat indibidwal na bahagi ng isang lipunan.