Bahagi ng pananalita
Sa balarila, ang bahagi ng pananalita/panalita (sa Ingles: part of speech), o kauriang panleksiko, ay isang lingguwistikong kaurian ng mga salita (o mas tumpak sabihing bahaging panleksiko) na pangkalahatang binibigyang kahulugan sa pamamagitan ng sintaktiko at morpolohikong asal ng bahaging panleksikong tinutukoy.
Sa aklat na Balarila ng Wikang Pambansa (1939;1944) ni Lope K. Santos (kilala rin sa tawag na Balarilang Tagalog at Matandang Balaril, pandiwa, pang-uri, pang-abay, pantukoy, pangatnig, pang-ukol, pang-angkop at pandamdam. Sinimulan itong ituro sa mga paaralan sa Pilipinas noong 1940 matapos maipahayag ng dating Pang. Manuel Quezon ang Tagalog bilang siyang saligan ng wikang pambansa.
Dala ng sunod-sunod na pagbabago at modernisasyon ng wikang pambansa (na kilala na ngayon bilang Filipino) ay maraming aklat ang nalimbag na nagmumungkahi ng pagbabago sa Matandang Balarila. Isa na rito ang Makabagong Balarilang Filipino (1977;2003) nina Alfonso O. Santiago at Norma G. Tiangco. Sa aklat na ito'y napapangkat ang may sampung bahagi ng pananalita sa ganitong pamamaraan:
A. Mga salitang pangnilalaman (mga content word)
- 1. Mga nominal
- a. Pangngalan (noun) - mga salitang nagsasaad ng pangalan ng tao, hayop, bagay, pook, katangian, pangyayari, atbp.
- b. Panghalip (pronoun) - mga salitáng pánghalilí sa pangngalan.
- 2. Pandiwa (verb) - mga salitang nagsasaad ng kilos o nagbibigay-buhay sa isang lipon ng mga salita
- 3. Mga panuring (mga modifier)
B. Mga Salitang Pangkayarian (Function Words)
- 1. Mga Pang-ugnay (Connectives)
- a. Pangatnig (conjunction) - mga salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala o sugnay
- b. Pang-angkop (ligature) - mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan
- c. Pang-ukol (preposition) - mga salitang nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang salita
- 2. Mga Pananda (Markers)
- a. Pantukoy (article/determiner) - mga salitang laging nangunguna sa pangngalan o panghalip
- b. Pangawing o Pangawil (linking o copulative) - salitang nagkakawing ng paksa (o simuno) at panaguri
Hindi na isinama ang Pandamdam (interjection; mga salitang nagsasaad ng matinding damdamin) sapagkat ayon sa mga may-akda ng Makabagong Balarila ay maaaring magamit bilang pandamdam ang kahit anong salita kung bibigkasin nga ng may matinding damdamin.
Samantala, sa Balarilang Ingles ay may walong tradisyunal na bahagi ng pananalita bagama't higit pa itong nahahati sa iba't ibang kaurian sang-ayon na rin sa mga pag-aaral ng mga kasalukuyang lingguwistiko. Ito ay ang pangngalan, panghalip, pandiwa, pang-uri, pang-abay, pangatnig, pang-ukol at pandamdam.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Santos, Lope K. (1944), Balarila ng Wikang Pambansa (ika-2nd (na) edisyon), Lungsod ng Maynila: Kawanihan ng Palimbagan
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)